Friday, June 12, 2009

Esela........

Matagal nang nagtatrabaho sa Hacienda de la Rivera ang babaeng si Esela. Siya ang anak ni Don Fidel sa labanderang si Aurora. Nang pumanaw ang kanyang ama ay ipinatawag siya sa mansyon upang mag-silbe at bagamat hindi tunay na anak ay itinuturing pa rin ni Dona Esperanza na kanyang tunay na anak si Esela.

Nang mamatay si Dona Esperanza ay ang kanyang anak na si Claudia na ang namamahala sa lahat ng mga kayamanan ng mga Riveras, si Claudia ay ang anak ni Dona Esperanza sa lalaking si Crisostomo, kapatid ni Miguelita ang ngayo'y tumatayong Ina ni Claudia at tagapamahala sa mga bagay sa loob ng Mansyon.

Ngunit ang kawawang si Esela ay tinatrato na bilang isang katulong, alila at atsay.

Claudia: (Habang hinalughog si Esela palabas ng mansyon nang minsan ay mabasag nito ang mamahaling flower base sa loob ng mansyon) Walang hiya ka Esela !!! Bakit mo nabasag ang vase na yan!!! Kabilin-bilinan pa ng mama na paka-ingatan ang vase na yan dahil mamahalin yan, at walang basta-bastang makakahawak ng vase na yan...lumayas ka sa mansyon na ito...walang hiya ka layas.

Esela: Ate, patawarin mo ako hindi ko sinasadya na mabasag ang bagay na yan, hindi ko po sinasadya patawarin niyo po ako

Habang bumababa si Miguelita sa mataas na hagdan sa mansyon ay tumatawa-tawa lang siya habang tinatanaw ang mga pangyayari.

Miguelita: (Tumatawa-tawa) Lumayas ka na nga Esela, layas !!!! para hindi na magkakagulo sdito sa Mansyon, lumayas ka na...layas!!!!

Nasa labas na ng gate si Esela, napaupo sa sakit ng pagkakahalug-hog sa kanya ni Claudia. Hanggat sa nakatulog siya ng mahimbing.

Nang magising na siya kinabukasan, nasa higaan na siya at agad papasok ang babaeng si Magdalena sa loob ng silid, si Magdalena ang nakakita sa kanya sa labas ng Mansyon.

Magdalena : Oh, gising ka na pala...

Esela: (magugulat si Esela ) Ho?, sino ho kayo? Hindi ko po kayo kilala

Magdalena : Ako si Magdalena, kagabi habang nag-titinda ako ng balot ay nakita kitang nakahiga sa sa labas ng mansyon. At nang mahimas kita ay napag-alaman kong inaapoy ka ng lagnat. Kaya yon dinala kita dito sa bahay ko... Maliit nga lang ito ngunit magkakasya lang siguro ito sa ating dalawa...

Esela: Ho? ganun po ba? maraming salamat po..

Magdalena: Nasa Tondo ka na.... tiga-san ka ba?

Esela: Dati po akong namamasokan sa Mansyon ngunit napag-bintangan ho akong nakabasag ng mamahaling flower vase.

Magdalena: Yun lang at napalayas ka mula sa mansyon? Dios mio, ganun nalang ba kasungit ang mga Rivera?

At hindi nakasagot si Esela dahil alam niyang hindi mga tunay na Rivera ang kasalukuyang namamahala sa Mansion at Hasienda at alam niyang siya ang tunay na Rivera.

Sa mansion naman...

Claudia: Oh, Tita ano yang binibilang mo?

Miguelita: hindi mo ba nakikita? Pera?

Claudia: Saan galing yan?

Miguelita: (tatawa) sa kita ng Hacienda.... (tatawa uli) alam mo naman ang plano natin Claudia...

Claudia: (Hihinga ng malalim) Tita kita natin to...

A B A N G A N.

No comments:

Post a Comment

"HINDI KA NAG-IISA"