Sunday, July 5, 2009

Wikalayaan ni Bon Robert A. Luzon

Bagkus yaring baya'y ganap nang malaya,
sa alin mang dayuhang nanakop ng kusa,
Lihitimong Pilipino na may sariling wika,
animo'y puti sa kanyang pagwiwika.
Hindi man din sinakop ng kusa,
sariling mamamaya'y nagbuhat sa pagkadalita.

Hindi pa ba sapat tatlong siglong pagka-dukha,
tatlong siglong pagdurusa, pagtitiis at pagpaparaya?
Kung sa ganitong paraa'y
Ipagpapatuloy ng madla.
Yaring hilinh kalayaa'y mababao't mawawala.

Pagmamahal sa baya'y
sa paggamit ng wika makikita.
Sariling wikang dapat ipagmalaki ng madla,
Dapat bigyang pugay at gawing biyaya.

Pagkat Diyos ang dahilan,
Ito'y huwag natin kalimutan.
Ating bigyang halaga at pagyamanin man lamang.

Huwag ipag-walang bahala
ang simbolo ng ating ganap na paglaya.
Ang sabi ng iba, ang gumagamit nito'y
bukod na pinag-pala.
Sa paggamit ng talastas'y wikang pambansa.

Pagkat dala nito'y ganap na kasarinlan,
ang magbibigay bisa sa inaasam-asam
na kalayaan..

No comments:

Post a Comment

"HINDI KA NAG-IISA"